Bawat araw ikaw ang laman
Nang puso at isip noon pa man
Ngunit iba sa iyo'y napamahal
Babaeng kaibigan ko pa naman.
Masakit may handang tanggapin
Na ako'y hindi talaga mapapansin
Dahil sa kanya lang ika'y nakatingin
Siya lang ang babae sa iyong paningin.
Ako'y hanggang sa tingin na lamang
Tinatanaw-tanaw ka sa malayuan
Sinusundan-sundan saan man dumaan
Nangangarap ngitian mo man lang.
Makita kang masaya ay sapat na
Kahit kaibigan ko ang iyong kasama
Ako'y wala naman nang magagawa pa
Sapagkat mahal ninyo ang isa't-isa.
Ang sa iyo'y tanong ko lang sana
Ano bang mayroon siya, sa aki'y wala
Bakit ang puso mo sa kanya napunta
Bakit siya pa...Kaibigan ko siya 'di ba?!